BATAAN

Bayang napakayaman sa kwento
Ang Pilipinas na ipinaglaban
Tanda ng pagkakasuko sa mga kalaban
Ang Martsa ng Kamatayan
Ang tanging masasabi ko lang sa aking natunghayan:
Napakaganda ng bayan na tinatawag nating Bataan

M.L

(Team building with World Impact Communications at Bataan last July 7-8, 2017)

Advertisements

Ewan ko

Madalas iniisip ko:

Gusto ko na munang magpakalayo

Umalis ng mag-isa

Pumunta sa lugar kung saan sa akin ay walang nakakakilala

 

Tila sa buhay ko ako ay nagsasawa na

Laging kong tinatanong sa sarili ko kung ang buhay ko ay may saysay pa ba?

Araw-araw lagi nalang ganito

Mga dasal gabi-gabi hindi nagbabago

 

Ang tanging hiling ko lang naman ay isang magandang balita

Ngunit sa sarili ko hindi ko rin alam kung ano nga ba ito

Ang gusto ko lang naman ay maging masaya

Dahil alam ko sa mga narating ko ay hindi pa ako nakukuntento

Sinong Kontrabida?

Mahirap VS Mayaman. Dilaw VS Pula. Rallyistas VS  Pulis. Vigilantes VS Drug pushers/users. Duterte VS De Lima. Pro-Trump VS Pro-Clinton. Pro-Marcos VS Anti-Marcos.

Minsan ako’y gulung-gulo na sa aking mga nakikita
‘Di ko na mawari kung sino ba sa dalawa o minsan ay mas madami pa
Ano nga ba ang tama at ano nga ba ang hindi?
Bakit hanggang ngayon hindi pa rin ako makapili?

Sino ba ang nagsasabi ng katotohanan?
At sino ang nagkukubli sa mga kasinungalingan?
Ang daming katanungan na hindi kayang sagutan ng madalian.
Kaya hanggang ngayon ay hindi alam kung sino ang kakampihan.

Sabi ng magulang si ganito ang tama
At hindi dapat ganito ang nangyari
Minsan hindi nalang ako makapagsalita
Ang hirap naman kasi maging Bias, hindi ba?

Ano na nga ba ang nangyayari sa ating mundo?
Bakit tayo nagkakaganito?
Tila Teleserye sa gabi ang ganap sa mga balita
Sa aking palagay magulo na masyado ang ating pulitika

Sa ating daigdig na ginagalawan
Ang daming nangyayari na labanan
Parang pelikula ni Fernando Poe Junior na maraming bakbakan
Pero ang tanong ko lang naman…Sino nga ba ang kontrabida sa bawat tunggalian?

-M.L.

MAMA

MAma2_.jpg

Si Mama na siyang nag-ugoy sa aking duyan
Si Mama na siyang hindi nagsawang kami’y pangaralan
Si Mama na nagturo sa amin na hindi kami mayaman
Si Mama na nagsabi sa amin na huwag maging makasarili kailanman

Si Mama ay sobrang bait sa kapwa ngunit kung magalit
Si Mama ay nagiging tigre na hindi mo aakalainSi Mama ay sobrang sipag magtrabaho lalo na sa mga gawaing-bahay subalit
Si Mama ay minsan napapagod din

Sa aking Mama na si Maria Victoria
Ikaw ay laging nasa puso namin nila Ate at Papa
Alam kong hindi tayo laging sweet sa isa’t-isaPero sana madalas ko na ring masabi sa iyo ang  mga katagang “Mahal kita, Mama.”