Sinong Kontrabida?

Mahirap VS Mayaman. Dilaw VS Pula. Rallyistas VSĀ  Pulis. Vigilantes VS Drug pushers/users. Duterte VS De Lima. Pro-Trump VS Pro-Clinton. Pro-Marcos VS Anti-Marcos.

Minsan ako’y gulung-gulo na sa aking mga nakikita
‘Di ko na mawari kung sino ba sa dalawa o minsan ay mas madami pa
Ano nga ba ang tama at ano nga ba ang hindi?
Bakit hanggang ngayon hindi pa rin ako makapili?

Sino ba ang nagsasabi ng katotohanan?
At sino ang nagkukubli sa mga kasinungalingan?
Ang daming katanungan na hindi kayang sagutan ng madalian.
Kaya hanggang ngayon ay hindi alam kung sino ang kakampihan.

Sabi ng magulang si ganito ang tama
At hindi dapat ganito ang nangyari
Minsan hindi nalang ako makapagsalita
Ang hirap naman kasi maging Bias, hindi ba?

Ano na nga ba ang nangyayari sa ating mundo?
Bakit tayo nagkakaganito?
Tila Teleserye sa gabi ang ganap sa mga balita
Sa aking palagay magulo na masyado ang ating pulitika

Sa ating daigdig na ginagalawan
Ang daming nangyayari na labanan
Parang pelikula ni Fernando Poe Junior na maraming bakbakan
Pero ang tanong ko lang naman…Sino nga ba ang kontrabida sa bawat tunggalian?

-M.L.

Advertisements